May bagong pasabog ang mundo ng Asian dramas: nag-team up ang Japan at South Korea para likhain ang “Anonymous Romantics”, isang seryeng pinagsasama ang malambot na sensibilidad ng Japanese dramas at ang emosyonal na estilo ng Korean storytelling. Hango ito sa French film na Les Émotifs Anonymes (2010), at ngayon bumabalik bilang isang fresh, sweet at nakakakilig na adaptation.
Ang kwento ay umiikot sa dalawang sobrang mahiyain na tao—parehong obsessed sa tsokolate, pero parehong hirap magpahayag ng nararamdaman. Ang pagkikita nila sa isang maliit na chocolate shop ang nagsisimula ng isang relasyon na kasing-tamis pero kasing-komplikado ng paborito mong dessert: puno ng insecurities, social anxiety, at nakakatuwang mga eksena na madaling maka-relate ang sinuman.
LAng pinakakakaibang charm ng serye ay ang cultural mix nito:
- Hatid ng Japan ang tahimik, introspective at detalyadong estilo.
- dagdag naman ng Korea ang mas dynamic na pacing, emosyonal na eksena, at signature K-drama romance vibes.
Ang resulta? Isang warm, charming at visually beautiful na serye, na may lead couple na may natural na chemistry mula pa sa unang episode. Bukod dito, interesting din ito dahil isa ito sa kakaunting recent co-productions ng dalawang bansa—isang bagay na bihira sa Asian TV industry ngayon.
Kung fan ka ng shy romance, slow-burn na kilig, mga karakter na awkward pero lovable, at mga dramang nagbibigay ng heart-flutter, malamang ito na ang magiging bagong paborito mo.
📺 Available na sa ilang Asian platforms at paparating na rin sa international streaming.

